From Pio Verzola Pisay 72

ang labo mo tol, di ka man lang nagpainom muna sa orig na kabarkada bago ka bumyahe. pero oks lang tol, wala naman makapagsasabi talaga, di ba? ganyan talaga buhay, parang kandila, di inaasahan minsan, bigla na lang hihipan ng hangin at mauupos na wala sa oras. di bale, napakarami mo na ring nagawa at natamo sa buhay na to. nakatatak na yun sa kasaysayan ng bayan nating sawi. sayang nga lang, marami ka pa sanang maiaambag sa lipunan. mami-miss ka namin, tol. peksman. o pano. kita-kits na lang sa kabilang ibayo. sana me bilyaran at smb din dyan sa bagong destino mo tol. ikamusta mo na lang kami kina francis, rollie, tets atbp.

taas-kamaong saludo,
opi

No comments yet.